Ikaw at Ako

“IKAW at AKO”

I

Ikaw yung malditang bata nung elementary na walang sawa kung ako’y awayin,

Ikaw yung mataba na batang hindi ko kasundo noon pa man,

Ikaw yung kaaway ko dahil kampi ka sa kung sino man,

at

ikaw yung isa sa nakakainis na parte ng mga araw ko sa elementarya.

II

Ikaw yung akala ko magiging close ko na nung first year highschool,

ikaw din ay naging girlfriend ni ‘M’,

ikaw yung inakala kong magtatanggol sa akin,

at

ikaw din ang isa sa mga nakakainis na parte ng unang taon ko sa sekondarya.

III

Ikaw yung hindi ko inaakalang unang papansin sa akin,

ikaw yung hindi ko inaakalang makakagaanan ko ng loob,

ikaw yung hindi ko inaakalang magiging malapit na kaibigan ko,

at

ikaw ang isa sa nagbigay ng kulay sa noon ay madilim kong mundo.

IV

Ikaw yung hindi ko hiningi,

pero binigay niya.

Ikaw yung hindi ko inaasahan na maging parte ng buhay ko,

pero heto at kasama kita.

Ikaw yung inasahan kong hindi mananatili,

pero andito ka ng walong taon na,

At higit sa lahat,

ikaw yung meron ako na wala ang iba,

dahil nag-iisa ka.

AT

Ako?

Ako lang naman ang pinakamapalad,

dahil sa dinami-dami ng pwede niyang pagbigyan sayo,

ako ang napili niya.

-geraldine

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s