Walang Pamagat

Pinag-iisipan kong mabuti lahat nang mga nakalipas na naganap,

Iniisip ko kung paanong umabot ang lahat sa kung nasaan na ito ngayon.

Pinapakiramdaman ko kung hanggang saan pa ba ang itatagal ng lahat ng ito,

hanggang kailan pa ang paulit-ulit na sakit na naidudulot nito?

Malayong malayo na ang narating ng mga pangyayari,

na umabot na sa puntong nahihirapan ka ng makabalik pa sa umpisa,

Sa umpisa kung saan mas kilala mo pa ang sarili mo,

Sa umpisa kung saan mas nararamdaman mong ika’y buo pa,

Sa umpisa na kung saan sana hindi ito yung daan na tinahak mo.

Ang bigat bigat na hindi na kaya pang mabuhat pa.

Ang gulo gulo na ng lahat, nakakapagod na, nakakasakal,

ngunit ang hirap na talagang makaalis, ang hirap ng bumalik

wala na nga ata talagang lakas pa para makaahon pa sa lahat ng ito,

Ang gulo gulo na ng mga nasa isip mo,

kasing gulo ng mga pangyayaring ito,

kaya kahit sa pamagat na ilalagay mo sa sulat na ito

ay nakalathala kung gaano kagulo ang lahat sa buhay mo.

 

-Panulat ni: Geraldine Grafil

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s